Aprubado na sa China ang kauna-unahang gamot na makakatulong umano sa mga pasyente laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon sa Taizhou Government sa Zhejiang ang gamot na favilavir na ang dating pangalan ay fapilavir na epektibo umano bilang anti-viral ay aprubado na para ibenta sa merkado.
Ang nasabing gamot ay na-develop ng Zhejiang Hisun Pharmaceutical Company bilang unang anti-novel coronavirus drug na uubra nang ibenta ng national medical products administration mula nang magkaroon ng outbreak noong buwan ng Disyembre.
Ang Zhejiang Province ay nakapagtala ng kaso na umaabot sa mahigit 1,000 na.
Ipinabatid naman ng ministry of science and technology na ang favilavir ay isa sa tatlong gamot na nagpapakita ng pagiging epektibo sa paggamot sa COVID-19 matapos ang clinical trials dito.