Hindi maaaring maipasok agad-agad sa Pilipinas at pahintulutang mai-distribute sa merkado ang kauna-unahang gamot laban sa 2019 coronavirus disease (COVID-19) na Favilavir.
Ito ang inihayag ni Health Secretary Francisco Duque III matapos i-anunsyo ng Chinese government na inaprubahan na nila ang paggamit ng nabanggit na gamot.
Ayon kay Duque, bagama’t maituturing na magandang development ang pagkakalikha sa Favilavir, kinakailangan pang makilalang maigi ng Department of Health (DOH) ang nabanggit na gamot at makakuha ng karagdagdang impormasyon hinggil dito.
Sinabi ni Duque, kinakailangan pang malaman kung epektibo ang nabanggit na anti-viral at kung ano ang posibleng maging side effects nito.
Mahalaga rin aniyang hintayin ang magiging karanasan ng China sa paggamit ng Favilavir lalo na’t nangmula dito ang COVID-19.
Antayan natin ang magiging karanasan [ng China] sa gamot na ito. Hindi tayong pwedeng nagmamadali na gumaya. Antayin din natin ang pagsusuring gagawin patungkol sa gamot na ‘yan,” ani Duque. —sa panayam ng Ratsada Balita