Binuksan na ang kauna-unahang Human Milk Bank (HMB) sa Teresita Lopez Jalandoni Provincial Hospital (TLJPH) sa Silay City sa Bacolod.
Ito ay para magligtas ng buhay lalo na ng mga premature babies o kulang sa buwang sanggol.
Ayon kay Dr. Mary Ann Maestral, chief ng ospital, nanggaling ang gatas sa mga nagpapasusong ina na may sobra nito.
Proyekto ang programa ng Rotary Club ng Metro Bacolod sa pangunguna ng presidente nito na si Jeinz Kreistein Salgado at dating presidente na si Renato Monfort.
Maliban sa mga premature baby, tulong ang programa sa mga malnourished, infants na nasa Neonatal Intensive Care Units at mga sanggol na nawalan na ng nanay. —sa panulat ni Abby Malanday