Nagtagumpay ang kauna – unahang ICBM o Intercontinental Ballistic Missile defense test ng Amerika.
Ayon kay Vice Admiral Jim Syring, napakahalaga ng naturang ICBM defense test para makita ang kakayanan na maiwasan ang napakalaking banta sa kanilang seguridad.
Ang ICBM ay pinakawalan ng US Military mula sa Kwajalein Atoll sa Marshall Islands at ang missile na nag-intercept dito ay pinakawalan sa Vanderberg Air Force Base sa California.
Ito ay sa gitna ng pagpapaigting ng North Korea sa paggawa ng ICBM na maaring umabot sa US Mainland.
Ang US Mainland ay 5, 500 miles lamang ang layo mula sa North Korea at ang ICBMS ay mayroong minimum range na 3, 400 miles hanggang 6, 200 miles.
By Katrina Valle