Hindi makakadalo ang Pangulong Rodrigo Duterte sa kauna-unahang international meeting ng kanyang administrasyon.
Sa halip si Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay ang ipadadala ng Pangulo bilang kinatawan sa 11th Asia Europe Meeting na gaganapin sa Mongolia simula bukas, July 15 hangang sa 16.
Tatalakayin sa pulong ang mga global challenges tulad ng maritime security at paglaganap ng droga sa buong mundo.
Inaasahang ilalatag ni Yasay sa pulong ang mapayapang agenda ng Pilipinas sa West Philippine Sea makaraang makakuha ito ng paborableng desisyon mula sa International Arbitral Tribunal.
By Len Aguirre | Allan Francisco (Patrol 25)