Nakapagtala ang Department of Agriculture (DA) ng unang kaso ng African Swine Fever sa lalawigan ng Guimaras.
Ayon kay Jose Albert Barrogo, DA-Western Visayas Regional Technical Director for Operations, nakatanggap ang ahensya ng reklamo mula noong Disyembre a-15.
Kasunod nito, agad na nagpulong ang DA Regional ASF Task Force upang talakayin ang mga posibleng hakbang at interbensyon para maiwasan ang pagkalat ng ASF.
Naglabas ang pamahalaang panlalawigan ang Excutive Order Series of 2022, pansamantalang ipinagbabawal ang pagpapasok at paglabas ng mga baboy at produktong baboy na mula sa Munisipalidad ng Buenavista.
Paiigtingin naman ng ahensya ang surveillance at monitoring activities sa mga karatig barangay at iba pang backyard farms sa munisipyo. —sa panulat ni Jenn Patrolla