Naitala ng Saudi Arabia ang kauna-unahang kumpirmadong kaso ng 2019 coronavirus disease (COVID-19) sa kanilang bansa.
Ayon sa health ministry, nagpositibo sa virus ang lalaking pasyente matapos itong bumalik ng Saudi Arabia mula Iran.
Anila, naka-isolate na sa hindi tinukoy na ospital ang nabanggit na pasyente.
Ang Saudi Arabia ang pinakahuling bansa sa Gitnang Silangan na nakapagulat ng kauna-unahang kumpirmadong kaso ng COVID-19.
Una na ring pinigilan ng Saudi Arabia ang pagpasok ng mga dayuhang bumibisita ng mecca at medina.
Sinunspinde na rin nila ang pagpapalabas ng visa para sa mga pilgrim na magtutungo sa Holy Place sa kanluran ng Sunni Kingdom.