Naitala ang kauna-unahang kaso ng COVID-19 sa Tokyo Olympic Village ilang araw bago ito magbukas.
Ayon kay Tokyo 2020 CEO Toshiro Muto, isang non-resident ng Japan na may kaugnayan sa pag-oorganisa ng mga palaro sa torneo ang dinapuan ng virus.
Dagdag pa ni Muto na matapos na mapag-alamang may nagpositibo sa athletes’ village ay agad itong dinala sa quarantine facility.
Sa huli, tiniyak ng mga organizers ng Tokyo Olympics na kanilang sisiguruhing hindi na makakahawa pa ng COVID-19 sa lugar.