Naitala na ng Chinese Health Ministry ang kauna-unahang kaso ng Human-Avian InfluenzaVirus H7N4 sa Jiangsu Province.
Ayon sa National Health and Family Planning Commission ng China, isang babaeng edad 68 ang sa Changzhou City ang nagkasakit noong Pasko at noon lamang Enero 1 dinala sa ospital.
Nakalabas naman sa pagamutan ang biktima noong Enero 22 matapos maka-recover.
Napag-alamang na-exposed sa live poultry ang babae bago makitaan ng mga sintomas habang hindi nagpakita ng mga sintomas ang kanyang mga nakasalamuha.
Posted by: Robert Eugenio