Pinangunahan ni Indian President Ram Nath Kovind ang pagpapasinaya sa kauna-unahang bronze bust ni Mahatma Gandhi sa bansa.
Ayon kay Kovind, isang karangalan na manguna sa programa kung saan ipinakita ang regalo ng India sa Pilipinas na simbolo ng pagsasama ng dalawang bansa tungo sa kapayapaan.
Dagdag pa nito, masaya siya dahil ang adhikain ni Gandhi at ng pambansang bayani ng Pilipinas na si Dr. Jose Rizal ay iisa.
Makikita ang bronze bust ni Gandhi sa loob ng Miriam College sa Quezon City.