Nasungkit na ng pilipinas ang kauna-unahang medalya nito sa 2015 SEA Games.
Silver medal ang nahablot ng bansa sa fencing na si Justine Gail Tinio na pinataob si Thi Hoai Nguen ng Vietnam sa semi final round ng Women’s Individual Foil Event.
Yumuko naman si Tinio kay Wenying Wang ng Singapore na nakapag-uwi ng ginto.
Tuluy-tuloy naman ang laban ng mga Pilipinong atleta sa SEA Games sa Singapore kung saan nagpadala ang Pilipinas ng mahigit 400 atleta na lalaban sa mahigit 30 sports category.
Sa pinakahuling tala o hanggang kahapon, June 3, nangunguna ang host country na Singapore sa medal standing na may limang gold at tig-tatlong silver at bronze medals, sumunod ang Vietnam na may dalawang gold at tatlong bronze at ikatlo ang Thailand.
By Judith Larino