Asahan nang mas bibilis pa ang pagbabakuna kontra COVID 19 sa Lungsod ng Taguig.
Ito’y makaraang mabuksan na ang ika-6 at ika-7 vaccination hub ngayong linggong ito.
Abril a-13 nang buksan ang ika-6 na vaccination site sa Western Bicutan National High School sa Brgy. Western Bicutan.
Habang nitong ika-14 naman ng Abril binuksan ang ika-7 vaccination site ng Lungsod na nasa Samsung Hall, SM Aura.
Ang huli ang ika-3 Mega Vaccination hub at ang kauna-unahan sa Central Business District na Bonifacio Global City.
Ayon kay Taguig City Mayor Lino Cayetano, tuluy tuloy ang vaccination program ng Lungsod kung saan, target nilang mabakunahan ang kanilang buong populasyon.
“The city continues to vaccinate those who are in categories A1, A2, at A3. We prioritize them because they are the most vulnerable sector. These are the most vulnerable sectors that if infected, there are high chances that they will experience severe symptoms,” wika ni Mayor Lino Cayetano.
Mula nitong April 12, 2021, nakapagbakuna na ang Lungsod ng Taguig City ng aabot sa 17,375 citizens: A1 (Health Workers) – 9,445; A2 (Senior Citizens) – 3,503 at A3 (Non-senior w/ comorbidities) – 4,427.
Nasa 926 naman ng kabuuang 9,445 frontliners ang nakakumpleto na ng bakuna matapos na sila’y maturukan ng ikalawang dose.