Magpi-piyesta ang mata ng mga mahilig manood ng bituin at iba pang heavenly bodies.
Ito ay dahil sa inaasahang makikita ngayong araw ang peak ng quadrantids ang kauna-unahang meteor shower ngayong taong 2016.
Kadalasang nakikita ang naturang meteor shower tuwing January 1 hanggang 7 ngunit magiging mas visible ito ngayong araw kung saan posibleng makakita ng 40 mga falling stars kada oras.
Pinakamagandang panahon para mag-abang nito sa hatinggabi hanggang madaling araw.
By Rianne Briones