Inaasahang masisimulan na ngayong taon ang pagpapatayo ng pamahalaan sa kauna-unahang subway sa bansa.
Sa isang economic briefing sa Tokyo, Japan, sinabi ni Transportation Secretary Art Tugade na posibleng mapakinabangan na ng mga Pilipino ang unang bahagi ng Metro Manila subway sa loob ng dalawa’t kalahati hanggang tatlong taon mula ngayon.
Sa katunayan, sinabi ni Tugade na pinaaga pa nila ng anim na buwan ang schedule ng imprastraktura para magamit na ito bago pa man tuluyang bumaba sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.
Magugunitang pinondohan ng mahigit limampung (50) bilyong piso ang halos dalawang libong (2,000) kilometrong subway mula sa Japan mula sa kabuuang halaga nito na nasa walong trilyong piso.
—-