Nakatakdang umarangkada ang kauna-unahang National Information Convention na isasagawa sa Davao City sa darating na ika-19 hanggang ika-21 ng Pebrero.
Sinabi ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na makikilala sa naturang convention ang mga heads ng mga agencies kung saan magkikita-kita ang mahigit 1,500 na mga information officers sa buong bansa.
Ayon kay Andanar, maraming matututunan sa 3-day event na ito dahil maraming speakers na magbabahagi ng kanilang kaalaman kung saan kasamang matututunan ang inaasahang future ng Philippine Broadcasting.
Maliban sa mga magagaling na speaker, makikita din sa convention ang mga bagong technology sa larangan ng broadcasting.
Dagdag pa ni Andanar na mayroon ding plenary session sa convention tungkol sa fake news.
Posted by: Robert Eugenio