Pormal nang itinalaga ni Pope Francis bilang bagong obispo ng Salt Lake City sa California, USA ang Pilipinong si Bishop Oscar Azarcon Solis.
Si Solis ang kauna-unahang obispong Pinoy na itinalaga ng Vatican para pamunuan ang isang diocese sa Estados Unidos.
Ipinanganak si Bishop Solis sa San Jose Nueva Ecija, nag-aral sa Christ the King Seminary sa Tagaytay City at nag-aral ng pilosopiya sa University of Sto.Tomas.
Taong 1984 nang tumulak sa Amerika si Solis na unang nanilbihan bilang parochial vicar sa isang parokya sa New Jersey at itinalagang obispo noong 1992 para pagsilbihan ang diocese of Los Angeles bilang auxiliary bishop.
By Jaymark Dagala