Pormal nang inilunsad ng Department of Foreign Affairs (DFA) at iba pang ahensya ang kauna-unahang Overseas Voting Mailing Center.
Layunin nitong makamit ng pamahalaan ang 80-percent voters’ turnout mula sa dating 1.4 million overseas voters na nagparehistro para sa eleksyon sa Mayo.
Lumagda sa isang memorandum of agreement ang COMELEC, DFA at ang Philippine Postal Corporation para sa voting mailing center.
Ang responsibilidad ng COMELEC sa ilalim ng nilagdaan MOA ay upang ipadala ang mga balota ng mga overseas voter sa mga overseas offices, labor offices at economic offices sa abroad.
Magtatalaga rin ang COMELEC ng mga equipment forms at mga supplies para iba’t ibang posts.
By Meann Tanbio | Allan Francisco