Gumaling na umano ang kauna-unahang Cebuano Returning Overseas Filipino o ROF na tinamaan ng B.1.1.7 o UK variant ng COVID-19.
Katunayan, ayon sa Department of Health (DOH) sa Central Visayas, nakalabas na ng ospital ang 54-anyos na lalaki na taga-Talisay City.
Sinasabing dumating sa bansa ang pasyente mula Dubai, United Arab Emirates noong ika-18 ng Enero.
Matatandaang tinukoy ng DOH central office nitong Biyernes na ang pang-walong kaso ng B.1.1.7 sa Pilipinas ay mula Liloan, Cebu ngunit patuloy pa umano itong iniimbestigahan ng local office ng ahensya.