Pormal nang inilunsad ng Department of Science and Technology o DOST ang kauna-unahang Pinoy weather channel.
Tinawag itong DOS-TV na naglalayong magbigay ng ulat panahon, pagtalakay sa climate change at disaster management.
Sa ngayon, mapapanood pa lamang ang DOSTV via online sa website ng DOST mula Lunes hanggang Biyernes, alas-11:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali.
Ginastusan ng humigit kumulang P15 milyong piso, sinabi ni Asec. Liboro na makatutulong ang DOSTV para maipakalat ang mga babala at impormasyong kailangan ng taumbayan sa panahon ng kalamidad.
By Jaymark Dagala