Hinikayat ng Malakanyang ang publiko na huwag palampasin ang kauna-unahang presidential debate kaugnay sa nakatakdang eleksyon sa Mayo.
Sinabi ni Presidential Communications Undersecretary Manolo Quezon III na ito ang pagkakataon para nakilatis ng bawat pilipino ang mga kandidatong nag-aambisyong maging susunod na presidente.
Ayon kay Quezon, dapat makita ng mg pilipino kung paano sasagot sa mga tanong ang mga kandidato at pag-aralan kung ano ang mga magiging pangako para sa mamamayan at sa bansa.
Binigyang-diin ni Undersecretary Quezon na walang matatalo sa panonood ng debate dahil dito pa lang ay makikilala at makikilatis ng mga pilipino lalo na ng mga botante kung ano ang magiging prayoridad ng mga ito sa sandaling manalo sa eleksiyon.
Ang unang debate na ilulunsad ng commission on elections ay gagawin sa Cagayan de Oro at lilibot ito sa iba’t ibang lugar sa bansa.
By: Aileen Taliping (Patrol 23)