Itinakda na ng Commission on Elections (COMELEC) ang kauna-unahang presidential debate sa Mindanao.
Ayon kay COMELEC Chairman Andres Bautista, ito ay gaganapin sa Capitol University sa Cagayan de Oro City sa Pebrero 21 ganap na alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi.
Inihayag ito ni Bautista matapos lagdaan ang memorandum of agreement o MOA sa pagitan ng election body at ilang media outfits.
Ang Inquirer at GMA-7 ang magho-host ng nasabing presidential debate na tututok sa mga plataporma ng bawat kandidato sa ilang mahahalagang isyu tulad ng peace and order, poverty reduction, agrikultura at charter change.
By Meann Tanbio