Aabot sa 500 Ulama mula sa 55 bayan ang inaasahang dadalo sa kauna-unahang Religious Summit for Peace and Security na gaganapin sa Cotabato City, simula ngayong araw hanggang Biyernes.
Puspusan na rin ang pagbibigay seguridad ng mga otoridad sa pangunguna ng Joint Task Force Central Mindanao sa pagdarausan ng aktibidad.
Ayon kay Capt. Arvin Encinas ng Joint Task Force Central Mindanao, nais nilang matiyak na maiiwasan ang anumang terrorist attack lalo’t karaniwang target ang mga Ulama o Islamic Religious Leader.
Bago ang kauna-unahang religious summit for peace and security, unang isinagawa sa Cotabato City noong isang linggo ang Ulama Summit na dinaluhan din ng religious leaders sa loob at labas ng Central Mindanao.
By: Drew Nacino