Nakatakda ng magbukas sa Hunyo 7 ang 17.5 Billion Peso Terminal 2 ng Mactan-Cebu International airport, ang kauna-unahang resort-airport sa mundo.
Ayon kay Louie Ferrer, Pangulo ng GMR-Megawide Cebu Airport Corporation, magiging panauhing pandangal sa inagurasyon ng bagong airport si Pangulong Rodrigo Duterte.
Gayunman, magsisimula anya ang aktuwal na operasyon ng paliparan sa Hulyo 1 alinsunod sa kanilang concession agreement.
Bubuksan din ang Terminal 2 sa ilang piling araw sa pagitan ng inagurasyon at official opening para sa publiko at mga guest na bibisita kasabay ng mga test run at clean up.
Dahil dito, inaasahang tataas sa 12. 5 million ang passenger capacity ng Terminal 2 kada taon.