Magpapatupad ng tapyas presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kumpaniya ng langis sa kauna-unahang pagkakataon ngayong taon.
Batay sa abiso ng mga nasa industriya ng langis, aabot sa P.20 hanggang P.50 ang posibleng rollback sa kada litro ng gasolina.
Habang nasa P.5 hanggang P.10 naman ang posibleng itapyas sa presyo ng kada litro ng diesel at kerosene.
Mula Enero 1 nasa P2.30 na ang itinaas sa presyo ng kada litro ng gasolina.
Habang nasa P1.60 hanggang P1.65 naman ang itinaas sa kada litro ng diesel at kerosene.