Pinaghahandaan ng mababang kapulungan ng kongreso sa kung paanong paraan isasagawa ang kauna-unahang State of the Nation Address (SONA) ni President-Elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Tinitignan ng kamara ang dalawang senaryo para sa isasagawang SONA ni Marcos, ang “face-to-face” at ang hybrid.
Sinabi ni House Secretary General Mark Llandro Mendoza, posible na ang pagsasagawa ng full face-to-face o personal na pagpunta ng mga bisita sa plenaryo ng batasan pambansa para saksihan ang sona habang ang isang option ay hybrid, kung saan lilimitahan ang pupunta sa plenaryo at ang iba ay via online na lamang.
Nakadepende ang mangyayari sa SONA sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng kamara sa malakanyang, Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP) at mga kinatawan ng Quezon City Government para sa kauna-unahang sona ni pbbm sa July 25.