Maaari nang magamit ang ilang bahagi ng kauna-unahang subway system sa bansa bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Transportation Secretary Arthur Tugade na kung kakayanin ay posibleng mas mapaaga pa sa target na ‘partial operation’ o sa 2021 na mabubuksan ang subway system.
Tatlo mula sa labindalawang (12) istasyon ang posible nang maunang buksan kabilang ang Mindanao Avenue, North Avenue at Tandang Sora sa Quezon City.
Ayon kay Tugade, kakayanin ng Mega Manila subway na magsakay ng tinatayang nasa isang daan at dalawampung libong (120,000) pasahero kada araw.
—-