Papatunayan ng phenomenonal AlDub team nina Alden Richards at Maine “Yaya Dub” Mendoza na hindi lamang sila pang-kalye serye ng eat bulaga sa kanilang inaabangang teleserye sa Kapuso Network na pinamagatang “Destined to be Yours.”
Bagaman nakatutok ang mga viewer kay Maine dahil sa pagganap sa kanyang unang drama series, aminado ang dubsmash queen na hindi naman siya na-pe-pressure sa halip ay excited na sa airing nito.
Ayon kay Maine, hindi na siya bago sa mga pang-ba-bash lalo sa social media kaya’t inaasahan na rin niya ang mga batikos sa kanyang pag-acting pero sa halip na magpa-apekto ay gagawin na lamang niya ang kanyang “best.”
Sa ngayon anya ay mayroon pa ring adjustment lalo sa pag-me-memorya ng mga script.
I-eere sa siyete ang kauna-unahang teleserye ng aldub sa Pebrero a-bente syete, kapalit ng “Alyas Robinhood.”
By Drew Nacino