Bigo ang kauna-unahang transgender weightlifter ng New Zealand na si Laurel Hubbard na makasungkit ng medalya sa 2020 Tokyo Olympics.
Hindi pinalad ang kontrobersiyal na transgender sa tatlong lift attempts nito sa snatch section ng 87 kilogram category.
Dahil dito, hindi na nakapasok sa medal round ang 43 anyos na kiwi, na inulan ng protesta dahil hindi umano patas ang pagpasokng isang transgender sa liga ng tunay na babae.
Nilinaw naman ng International Olympic Committee na naabot ni hubbard ang panuntunan na pagbawas ng testosterone level upang mapabilang sa transgender athletes.—sa panulat ni Drew Nacino