Nagsanib puwersa ang Department of Agrarian Reform at Department of Agriculture para sa kauna-unahang urban Vegetable Garden Harvest Festival.
Unang ilalarga ang nasabing okasyon bukas, ikatlong araw ng Enero sa St. John Bosco parish sa Tondo, Maynila.
Oktubreng 2020 nang gawing taniman ng gulay ang nasa 8,000 metro kuwadradong bakanteng football field ng nasabing simbahan.
Pinaunlad ito ng mismong mga residente ng 17 mga barangay na nasasakupan ng naturang parokya.
Sa isang pahayag, sinabi ni Agrarian Reform Sec. John Castriciones na nagboluntaryo ang mga siyentipikong magsasaka na turuan ang mga taga-Tondo sa tamang paraan ng urban vegetable farming.
Maliban sa pick, harvest at pay activity, may paligsahan din sa pagluluto, showcase ng iba’t ibang produkto ng mga magsasaka at may pa -raffle din.