Humihingi ng pasensya si Bacolod City, Lone District Representative Greg Gasataya sa mga kababayan nito na apektado ng pananalasa ng Bagyong Odette na nag-aabang ng tulong gaya ng food packs.
Aniya, ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya upang matulungan ang lahat ng nasa evacuation centers at lahat ng napinsanla ng bagyo sa kabila ng mga nakaharang na nagsitumbahang puno sa mga kalsada.
Panawagan nito, sa mga residente ng Bacolod na nangangailangan ng agarang tulong ay makipag-ugnayan lamang sa numerong 0915-286-9159 o ‘di kaya’y direktang mag-message sa kanyang Facebook page.–-mula sa ulat ni Tina Nolasco sa panualat ni Airiam Sancho