Nanindigan ang National Telecommunications Commission (NTC) na hindi nila maaaring bawiin ang inilabas na cease and desist order laban sa ABS-CBN.
Ayon kay NTC deputy commissioner Edgardo Cabarios, walang dahilan para bawiin ang kanilang naging desisyon dahil kumbinsido umano ang mga commissioner na ito ang dapat gawin sa network.
Ani Cabarios, alam niyang nangako nuon ang NTC na bibigyan nila ang ABS-CBN ng provisional authority para makapag-patuloy ng kanilang operasyon habang inaaksyunan ng Kongreso ang kanilang franchise renewal.
Ngunit paliwanag pa ng NTC, naglabasan rin nuon umano ang mga legal na opinyon na hindi sila pwedeng maglabas ng temporary permit na sinang-ayunan naman ng kanilang legal department.
Dahil dito humingi ng pang-unawa si Cabarios sa mga empleyado ng network, pati na rin sa mga taga suporta ng ABS-CBN na umaasa sa kumpanya para sa balita, entertainment, at mahahalagang impormasyon.