Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kautusan na magtatatag sa numerong 911 bilang national emergency hotline number.
Sa ilalim ng executive order no. 56, papalitan ng emergency 911 hotline ang kasalukuyang Patrol 117 hotline na layong mapigilan ang krimen at mapanatili ang peace and order.
Nakapaloob sa emergency 9-1-1 program ang pagbuo sa ‘National Hotline Public Safety Answering Center’ o ‘national call center’ sa ilalim ng Department of Interior and Local Government.
Kabilang sa magiging ‘primary service responders’ ang Bureau of Fire and Protection para sa fire and rescue operations, at ang Philippine National Police para sa public safety at crime prevention.
Magiging libre naman ang tawag sa emergency hotline 911 habang papatawan ng kaukulang parusa ang mga Gagawa ng mga mapanlinlang, manpanloko at mabirong emergency reports.