Pinababasura ng online news site na Rappler sa Korte Suprema ang kautusan ng Pangulong Rodrigo Duterte na pagbawalan ang mga reporter nito para media coverage ng presidential events.
Sa kanilang isinampang petition for certiorari hiniling ng Rappler Incorporated at iba pang reporters sa High Tribunal na mag isyu ng temporary restraining order (TRO) laban sa naturang direktiba.
Binigyang diin ng petitioners na paglabag sa freedom of the press gayundin sa equal protection clause dahil sa pag-single out sa Rappler at isa anilang grave abuse of discretion ang kautusan.
Ang naturang hakbangin ng Malakanyang anila ay mayruong chilling effect sa iba pang news organizations at mga journalist.