Sinuway ng Tanauan City government ang kautusan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na ipatigil na ang ‘window hour’ o pagbalik ng mga residente sa kanilang mga bahay sa mga itinakdang oras para kumuha ng gamit o magpakain sa kanilang mga alagang hayop.
Nabatid na nagpasya ang city government ng Tanauan na ituloy ang pagpapatupad ng ‘window hours’ sa kanilang mga residente.
Ang mga residente ng Tanauan ay uubrang makabalik ng kanilang tahanan –alas -5 ng umaga hanggang alas-8 ng umaga at alas-3 ng hapon hanggang alas-6 ng gabi.
Ang nasabing hakbang, ayon sa local officials, ay habang hinihintay nila ang formal at official order mula sa DILG hinggil sa tuluyang pagpapatigil sa ‘window hour’.
Walong (8) checkpoints ang una nang itinayo sa mga lansangan papasok ng mga Barangay Natatas, Balele, Wawa, Buot at Maria Paz sa Tanauan City.