Hinihintay pa rin ng Negros Occidental Provincial Government ang kautusan ng Department of Health (DOH) kung maaari pa ring gamitin ang mga Astrazeneca vaccine dose kahit expired na ang mga ito.
Ayon kay Provincial Health Office Cold Chain Coordinator, Dr. Claudelia Josefa Pabillo,nasa 14,620 doses ng Astrazeneca ang nag-expire noong November 30.
Gayunman, naka-depende anya sa emergency use authority na inisyu ng Food and Drug Administration at instructions mula sa DOH kung gagamitin pa o hindi na ang mga nasabing bakuna.
Ang mga expired vaccine ay bahagi ng 45,300 Astrazeneca doses na dumating sa lalawigan noong November 8.
Una nilang ipinamahagi ang mga bakunang may maikling shelf life pero hindi lahat ng mga ito ay itinurok dahil tumanggi ang mga recipient.