Pinangangambahang maraming mawalan ng trabaho bunsod ng kautusan ng Department of Labor and Employment na nagpapahinto sa kontraktuwalisasyon o ENDO.
Ayon kay Employers Confederation of the Philippines Honorary Chairman Sergio Ortiz-Luis, sa oras na mag-regular ng isang empleyado, mawawalan naman ng trabaho ang iba at mawawala ang tinatawag na rotation.
Sa kabila nito, tiniyak ni Luis na tatalima sila sa Department Order 174 ng kagawaran.
Inihayag naman ni ECOP President Donald Dee nakikipag-ugnayan na sila sa DOLE upang linawin ang ilang probisyon ng bagong kautusan.
By: Drew Nacino