Pinag-aaralan ngayon ng gobyerno ang gagawing hakbang kaugnay ng kautusan ng Korte na bayaran ang Maynilad ng P3.4-B.
Ang nabanggit na halaga ay reimbursement ng water company na rate increase mula Marso 11, 2015 hanggang Agosto 31, 2016.
Ipinabatid ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na natanggap na ng Office of the Executive Secretary ang desisyon ng Singapore-based arbitral tribunal.
Ayon kay Abella, nire-repaso na ng tanggapan ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang resolusyon katuwang ang Office of the Solicitor General.
Una nang inihayag ni Finance Secretary Carlos Dominguez na sisilipin niya kung may kaukulangang pondo para sa nasabing bayarin na dapat balikatin ng pamahalaan.
- Meann Tanbio