Binabalangkas pa ng pambansang pulisya ng direktiba na tutugon sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na magsagawa muli ng kampanya kontra iligal na droga.
Sa panayam ng programang “Balita Na, Serbisyo Pa,” sinabi ni PNP Spokesman Police Senior Superintendent Dionardo Carlos na isasailalim sa background check ang mga mapipisil nilang italaga sa iba’t ibang anti-illegal drug team.
Mga direktor, aniya, mula regional, provincial, at district commands ang pipili sa mga magiging bagong kasapi ng anti-illegal drugs operations at isusumite nila ang mga kandidato sa national headquarters.
Tiniyak ni Carlos na magiging masusi ang PNP sa pagtatalaga ng mga pulis na sasabak sa paglaban sa iligal na droga sa bansa.
Pakingan: Bahagi ng panayam kay PNP spokesman Carlos sa panayam ng DWIZ
By: Avee Devierte