Kinumpirma ng Department of Health at Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na natanggap na nila ang Memorandum mula sa Office of the President na nag-uutos na suspendehin ang contribution increase at income ceiling ngayong taon.
Ang increase ay alinsunod sa mga probisyon ng Republic Act 11223 o Universal Healthcare Act.
Sa isang joint statement, sinabi ng DOH at PhilHealth na tatalakayin nila bukas ang naturang issue at maaaring maglabas ng mga karagdagang impormasyon matapos ang pulong.
Ang PhilHealth ay attached agency ng DOH, kaya’t obligadong tumalima sa anumang direktiba mula sa Pangulo.