Hindi maalis ng China ang kanilang pangamba sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa militar na okupahin na ang ilang isla sa West Philippine Sea.
Ayon kay Chinese foreign ministry spokesperson Hua Chunying, umaasa sila na pananatilihin ng Pilipinas ang bilateral ties nito sa Tsina.
Umaasa rin anya sila na patuloy na aayusin ng gobyerno ng Pilipinas ang maritime disputes nito sa China upang mapanatili matatag na ugnayan ng dalawang bansa.
Inatasan din ni Pangulong Duterte ang militar na magtayo ng mga pasilidad at iwagayway ang watawat ng bansa sa exclusive economic zone nito.
Bukod dito, plano ng pangulo na ipagdiwang ang araw ng kalayaan sa Hunyo a-dose sa Pag-asa island na okupado ng Pilipinas.
Sa kabila nito, inihayag ni Hua na nananatili ang paninindigan ng China sa tungkulin nitong protektahan ang kanilang soberanya sa pinag-aagawang karagatan.
By Drew Nacino