Ikinaaalarma ng ilang mga ospital sa bansa ang bagong kautusan ng Philhealth hinggil sa ‘temporary suspension’ ng pagbabayad nito sa mga claims na kasalukuyang iniimbestigahan.
Ayon kay Philippine Hospitals Association president, Dr. Jaime Almora na aabot pa sa ilang bilyong piso ang hindi nababayarang reimbursements ng ahensya.
Paliwanag ni Almora, natatakot silang kalauna’y maideklarang ‘fraudulent’ ang mga COVID-19 claims bagay na makasisira naman sa reputasyon ng mga ospital.
Pero sa kabila nito, iginiit ni Almora na patuloy pa rin silang tatanggap ng mga COVID-19 patient sang-ayon sa kanilang paglaban sa pandemya.
Samantala, umapela ito sa Philhealth na bigyan naman sana aniya ng financial risk protection ang mga ospital.