Kinatigan ng Teachers Dignity Coalition (TDC) ang kautusan ni President-Elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Junior na pag-aralan muliang K To 12 Program.
Ayon kay TDC Chairman Benjo Basas, nararapat lamang magkaroon ng assessment upang mabatid ang estado ng edukasyon sa bansa simula nang ipatupad ang K-12.
Hindi naman anya maaaring basta na lamang ipahinto ang naturang programa dahil tiyak na magkakaroon ito ng negatibong epekto sa sektor ng edukasyon.
Tiniyak naman ni Basas na handa silang mga guro na makipag-dayalogo sa bagong administrasyon, partikular kay Vice President-Elect Sara Duterte–Carpio, na susunod na kalihim ng DEPED.