Tumanggi si Presidential Communications Assistant-Secretary Margaux “Mocha” Uson na humingi ng paumanhin sa Pamilya Aquino matapos ang ipinost na video ni dating Senador Ninoy Aquino na hinalikan ng dalawang babae bago paslangin noong august 21, 1983.
Ito’y sa kabila ng kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na mag-sorry si Uson at paghingi ng paumanhin ng punong ehekutibo kay dating Presidential Sister Kris AQUINO sa pamamagitan ni Special Assistant to the President Bong Go.
Sa video post ni Uson sa kanyang facebook page, ipinunto ng P.C.O.O. Official hindi naman tungkol kay Kris ang issue.
Inilabas ni Mocha ang kanyang post ilang oras matapos ihayag ni Go na nag-sorry na si Pangulong Duterte sa pamilya Aquino.