Hindi kayang mapigilan ng Korte ang kautusang pagpapasara sa halos kalahati ng mga minahan sa buong bansa.
Binigyang diin ni Environment Secretary Gina Lopez na walang TRO o Temporary Restraining Order na maaaring makaharang sa kaniyang direktiba para lamang protektahan ang kapaligiran.
Ipinag utos na rin ni Lopez ang pag kansela sa 75 mining contracts na aniya’y pawang nasa watershed zones at karamihan ay nasa exploration stage pa.
Magugunitang February 2 nang ipag utos ni Lopez ang pagpapasara sa 23 at lima ang suspendido mula sa 41 minahan sa bansa dahil sa nakakasira ito sa watersheds, coastal waters at farmlands.
By: Judith Larino