Dismayado ang Teacher’s Dignity Coalition o TDC sa naging pahayag ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman Andres Bautista na walang dagdag allowance para sa mga guro na magsisilbi sa darating na eleksyon.
Ayon kay Benjo Basas Chairperson ng TDC, matagal na ang kanilang kahilingan na gawing P10,000 ang honorarium o allowance ng mga guro na uupo sa halalan.
Aniya, malaki ang papel at responsibilidad na ginagampanan ng mga guro sa halalan na exposed sa iba’t ibang uri ng panganib sa panahon ng eleksyon kaya nararapat lamang na well-compensated ang mga ito.
Sinabi pa ni Basas magla-lobby na lamang ang kanilang grupo para sa enactment ng Election Service Reform Act.
“Mananatiling compelled ang mga guro at walang choice kung hindi umupo kung sila ay i-aappoint ng COMELEC, sa kasalukuyan we are lobbying for the enactment of Election Service Reform Act kung saan gagawing voluntary na lang ang pag-upo ng mga guro sa halalan.” Paliwanag ni Basas.
By Mariboy Ysibido | Ratsada Balita