Tinukoy na dahilan ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang kawalan ng death penalty law sa Pilipinas , kaya maraming Chinese nationals na sangkot sa transaksyon ng illegal na droga ang naaresto dito.
Ayon kay DDB Undersecretary Earl Saavedra , maraming Chinese na sangkot sa illegal drug trade ang mas pinipiling magtungo sa Pilipinas dahil sa kawalan ng parusang kamatayan kumpara sa China na mayruong “firing squad”
Dagdag pa ni Saavedra, tanging ‘reclusion perpetua’ o habangbuhay na pagkakakulong ang parusa sa mga taong mapapatunayan na guilty sa illegal drug trade sa bansa at maaari pang mapababa ang sentensya dito.
Kaugnay nito , sinabi ni Saavedra na pabor siya sa planong reimposition ng death penalty lalo na para sa mga akusado na may mabibigat na kaso gaya ng mga sangkot sa malalaking transaksiyon ng iligal na droga.