Ginagamit na lamang na palusot ng Department of Transportation o DOTr ang kawalan nila ng emergency power kaya hindi nito malutas ang problena sa trapiko.
Ito ang iginiit ni Senate Committee of Public Service Chairman Grace Poe laluo’t batid naman aniya ng mga taga DOTr na kaya nilang gawin at ipatupad ang mga proyekto para malutas ang problema sa trapiko ng walang emergency power.
Aniya, maaaring patakbuhin ang mga kinakailangang dagdag na mga tren sa mga rail system at procurement para sa mga infrastructure project ng pamahalan.
Iginiit pa ni Poe, kung talagang kinakailangan ang emergency, dapat ay sinertipikahan na itong urgent ng pangulo.
(with report from Cely Ortega-Bueno)