Nakakabahala ang kawalan ng iisang posisyon ng pamahalaan sa isyu ng pag-angkin ng China sa West Philippine Sea.
Ayon kay Professor Jose Antonio Custodio, lalo lamang magiging agresibo ang China sa pag-angkin sa buong West Philippine Sea dahil sa paiba-ibang posisyon ng gobyerno.
Tinukoy ni Custodio ang naunang pahayag ni Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay na bukas ang gobyerno sa sharing ng resources sa pinag-aagawang teritoryo.
Bahagi ng pahayag ni Professor Jose Antonio Custodio
Ayon kay Custodio, tagilid ang China sa Permanent Court of Arbitration dahil maliban sa hindi nila pagkilala sa hurisdiksyon ng korte kakatwa rin ang claim ng China na pag aari nila ang buong South China Sea.
Ang dapat anyang gawin ng gobyerno sakaling pumabor sa Pilipinas ang desisyon ng Arbitration Court, ay gamitin itong high morale ground upang i-rally ang mga kaalyadong bansa tulad ng Amerika at Japan laban sa China.
Bahagi ng pahayag ni Jose Antonio Custodio
Malacañang
Samantala, tikom muna ang bibig ng Malacañang hinggil sa susunod na hakbang ng bansa sa sandaling mailabas ang desisyon ng International Arbitral Tribunal sa reklamong inihain ng Pilipinas laban sa China.
Ayon kay Communications Secretary Martin Andanar, ayaw nilang pangunahan ang paglabas ng desisyon ng International Arbitral Tribunal.
Pag-aaralan pa anya ni Solicitor General Jose Calida ang lalabas na desisyon bago makabuo ng susunod na hakbang ang Pilipinas.
By Len Aguirre | Ratsada Balita | Aileen Taliping (Patrol 23)