Ilang lokal na pamahalaan ang umalma sa “Balik Probinsya” Program.
Ito ay dahil umano sa kawalan ng koordinasyon sa kanila ng national government hinggil sa pagpapauwi ng mga manggagawa mula sa Metro Manila sa ilalim ng nasabing programa.
Ayon kay Ormoc City Mayor Richard Gomez, mayroong apat na residente ng lungsod ang hindi nasundo nang dumating ang mga ito dahil wala naman aniya silang alam hinggil dito.
Ani Gomez, wala naman problema sa nais umuwi sa katunayan ay nakahanda na umano ang isolation facility para sa mga ito.
Dahil dito nanawagan si Gomez sa pamahalaan na magkaroon sana ng tamang pagdodokumento sa mga uuwi sa probinsya para matiyak na ang kaligtasan ng lahat laban sa COVID-19.