Kinuwestiyon ni Senador Francis Tolentino ang pagkabigo ng Department of Health (DOH) na magtakda ng price cap sa COVID-19 test kits.
Sa pagdinig ng Senate Committee, sinabi ni Tolentino na naglabas ng price ceilings ang DOH sa medical devices, gamot, alcohol, at iba pang personal protective equipment maliban na lamang sa COVID-19 test kits.
Dito na kasi aniya nagkaroon ng problema kaya’t iba-iba ang singil na nararanasan ng publiko.
Giit pa ng senador, walang malinaw na pricing structure ng naturang mga supplies.
Depensa naman ni Health Secretary Francisco Duque III, hindi nakapaglabas ang ahensya ng price cap sa covid-19 test kits dahil karamihan umano sa mga ito ay mula sa donasyon.